im•pá•la : antelope (Aepyceros melampus) na katamta-man ang lakí, nakatatalon nang malayò, at matatagpuan sa dakong timog at silangang Africa
calla lily (ká•la lí•li) : yerba (Zantedeschia aethiopica) na may makapal na risoma, may tangkay na 1 m ang habà na nagdadalá sa hugis embudo at maputîng bulaklak
african lily (áf•ri•kán lí•li) : yerba (Agapanthus africanus) na may makapal na risoma, nása umbel ang mga bulaklak na karaniwang bughaw na lila
sea lily (si lí•li) : echinoderm (class Crinoidea) na kahawig ng lili, may mahabàng tangkay, at tíla balahibo ang mga galamay na ginagamit sa pangunguha ng pagkain